Patay ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa isang van sa Los Baños, Laguna noong February 3.
Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang rider na kinilalang si alyas "Jonjon," 33 anyos at residente ng Barangay Masili, Calamba City, Laguna.
Sa paunang pagsisiyasat ng Los Baños Municipal Police Station, naganap ang naturang aksidente bandang 1:55 ng hapon sa kahabaan ng National Highway sakop ng Barangay Lalakay.
Binabagtas ni alyas "Jonjon" ang National Highway nang, pagsapit sa isang resort sa pakurbadang bahagi ng daan, ay sumalpok siya nang harapan sa isang Isuzu Travis van na minamaneho naman ni alyas "Arnel," 60 anyos at residente ng Bacoor City, Cavite.
Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima sa gitna ng daan.
Nasa kustodiya na ng Los Baños police si "Arnel" na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

