Motorcycle rider, dedo sa bus
Death

Motorcycle rider, dedo sa bus

Jul 30, 2025, 3:43 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang motorcycle rider ang patay matapos masagasaan ng bus sa kahabaan ng National Highway sa Biñan City, Laguna noong gabi ng Lunes, July 21.

Ayon sa paunang ulat ng Biñan City Police Station, dead on arrival sa ospital dahil sa tinamong pinsala sa ulo ang angkas ng motorsiklo na kinilala lamang sa alyas na "Erlyn," habang sugatan naman ang driver nito na kinilala lamang sa alyas na "Norman."

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, binabagtas ng motorsiklo ang kahabaan ng National Highway papunta sa direksyon ng Santa Rosa City sa gitna ng pagbuhos ng ulan nang maganap ang aksidente.

Pagsapit ng motorsiklo sa isang gasolinahan sa Barangay Canlalay ay tinangka umano ng driver ng motorsiklo na iwasan ang isang shuttle bus na biglang tumawid papunta sa gasolinahan.

Dito na nawalan ng kontrol ang motorsiklo dahil sa madulas na daan at tumilapon ang angkas nito, dahilan upang magulungan siya ng bus.

Nasa kustodiya na ng Biñan City police ang driver ng bus na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.