Most wanted Leyteño, nasukol sa Laguna
Arrest

Most wanted Leyteño, nasukol sa Laguna

Jan 28, 2026, 3:05 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Natapos ang halos isang dekadang pagtatago sa batas ng isang Leyteño na nasukol sa isang operasyon sa Santa Cruz, Laguna nitong nakaraang Lunes, January 19.

Hindi na nakapalag pa sa mga awtoridad ang suspek na kinilalang si alyas "Roberto" matapos siyang dakpin ng mga tauhan ng Santa Cruz Municipal Police Station sa Sitio Ipil, Barangay Santisima Cruz sa nasabing bayan.


Ayon sa mga awtoridad, may outstanding warrant of arrest si alyas "Roberto" na inilabas ng Regional Trial Court Branch 12 sa Ormoc City, Leyte noon pang February 8, 2017 sa kasong murder.


Napag-alaman din na ang suspek ay itinuturing na Regional Most Wanted Person ng kapulisan sa Eastern Visayas.


Walang piyansang inirekomenda ang korte kay "Roberto" na nakatakda na ngayong ibalik sa Leyte upang harapin ang kanyang kaso.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #MostWanted



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.