Misis, ginilitan ni mister
Crime

Misis, ginilitan ni mister

Feb 6, 2026, 6:52 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Ang sana'y maayos na pag-uusap at paghihiwalay ay nauwi sa karumal-dumal na krimen matapos gilitan ni mister sa leeg ang kanyang asawa kamakailan sa Mauban, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, balat na lamang ang nag-uugnay sa ulo at leeg ng namatay na biktimang si "Jovy," 44 anyos samantalang nakatakas ang suspek na si "Al," 47 anyos.


Nabatid na isang taon nang hiwalay ang mag-asawa nang inireklamo ng misis ang kanyang asawa dahil sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004).


Nagtungo ang dalawa sa kanilang bahay at napagdesisyunang maghahati sa kanilang mga ari-arian ngunit muli itong nauwi sa mainitang pagtatalo.


Sa gitna ng away ay kumuha ng karit ang mister at ginilitan ang misis na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.


Mabilis na tumakas ang suspek at nagtago sa kapatid nitong babae sa Batangas City.


Agad na nagkasa ng manhunt operation ang pulisya subalit agad na nagpadala ng mensahe ang suspek sa awtoridad ukol sa kaniyang pagsuko.


Nasa kustodiya na ng Mauban Municipal Police Station ang suspek.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.