Isa na namang kabataang Lagunense ang nagpamalas ng galing sa pag-awit sa international stage sa ginanap na World Championship of Performing Arts (WCOPA) 2026 sa Las Vegas, Nevada, United States kamakailan.
Pitong medalya - dalawang bronze, tatlong silver, at dalawang gold - ang nasungkit ni Sabella Reign Mendoza, isang mag-aaral ng Saint Michael's College of Laguna, sa nasabing kompetisyon.
Itinanghal rin siya bilang Two-Time Division Champion, habang nakaabot nakaabot din siya sa WCOPA semi-finals.
Baon ni Mendoza ang suporta, panalangin at pagmamahal ng kanyang guro, kaibigan at ng kanyang mga magulang.
Ang kanyang natamong pagkilala ay hindi lamang basta koleksyon ng mga medalya, kundi inspirasyon sa bawat batang nangangarap na maipakita ang kanilang mga talento.
Ipinahayag ng SMCL ang kanilang lubos na pagmamalaki at patuloy na panalangin para kay Sabella habang patuloy niyang binabagtas ang landas tungo sa tagumpay.
Sa kanyang ibinidang galing, muling ipinakita ni Sabella na ang talento, sipag at determinasyon ng isang Pilipino ay kayang magningning sa bawat sulok ng mundo.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

