Mga youth gang, walang puwang sa Santa Cruz
OpinYon Laguna

Mga youth gang, walang puwang sa Santa Cruz

Aug 4, 2026, 5:23 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Sa pagsugpo sa mga “youth gang,” buong pamayanan ang magkaisa.

Isa ito sa mga naging punto ng isang bagong ordinansa sa bayan ng Santa Cruz, Laguna laban sa dumaraming kaso ng karahasan na kinasasangkutan ng mga menor-de-edad.




Pinagtibay kamakailan ng Sangguniang Bayan ang Kautusang Bayan Blg. 32, Serye ng 2026 o ang Anti-Youth Gang Activity Ordinance, bilang karagdagang proteksyon sa kabataan na maaaring matuksong sumali sa mga bayolenteng gang.




Ngayong mainit na usapin ang school violence, maraming residente na mga magulang at guro ang nag-aalala kung paano malalayo sa banta ng karahasan ang mga bata.



Kabilang sa mga inilatag na probisyon nito ay ang sumusunod:


  • Pagbabawal sa pagtatatag at pagrerecruit ng mga menor de edad sa mga gang na nagsasagawa ng ilegal o marahas na gawain
  • Pagpapatupad ng intervention, counseling, values formation, at rehabilitation alinsunod sa Republic Act No. 9344 (Juvenile Justice and Welfare Act)
  • Pagpapalakas ng koordinasyon ng LGU, PNP, MSWDO, DepEd, mga paaralan, barangay, at iba pang sektor upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan
  • Paggalang sa karapatan ng kabataan at pagbibigay-diin sa proteksyon, paggabay, at rehabilitasyon sa halip na simpleng pagpaparusa.




Nais ng lokal na pamahalaan ng Santa Cruz na matugunan ang kanilang suliranin sa pamamagitan ng isang ordinansa na may layuning maprotektahan ang mga menor-de-edad mula sa pagre-recruit, pag-o-organisa, at pakikilahok sa mga mararahas na grupo.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.