Mga taga-POGI, sinanay sa meat processing
Quezon

Mga taga-POGI, sinanay sa meat processing

May 14, 2026, 12:59 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

Hindi lamang dagdag-kabuhayan, isa pang mabisang solusyon sa isyu ng pagdadala ng produktong karne mula sa Polillo Island.

Ito ang hatid ng Provincial Veterinary Office ng lalawigan ng Quezon, kasabay ng pagdadala nito ng kasanayan sa meat processing sa bayan ng Polillo noong April 28 hanggang 29.


Apat na samahan sa Polillo ang aktibong nakilahok sa naturang training, kabilang na ang Tauong–Quidanum Irrigators Association, Inc., Quidanum SLP Association, Mothers Workers and Livelihood Association, at Polillo Livestock and Poultry Raisers Association.


Layunin ng aktibidad na mabigyan ng kaalaman at kasanayan ng mga lokal na samahan sa pagpoproseso ng karne upang magkaroon sila ng panimula o karagdagang pagkakakitaan.

Kabilang sa mga itinuro ang paggawa ng pork skinless longganisa, pork tocino, at pork tapa, kasama ang wastong paghahanda, sanitasyon, at tamang timpla ng mga produkto.

Nagsilbing mga tagapagsanay ang mga technical personnel ng Livestock and Poultry Development Division ng OPV na sina Gng. Maria Cecilia Casino, Cheeyene San Agustin, at Jovelyn R. Alcazar, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan sa meat processing.


Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang kakayahan ng mga samahan at mamamayan sa lalawigan.


Layunin nitong makalikha ng mga produktong maaaring maging dagdag o panimulang pagkakakitaan at makapagbigay ng mas maraming oportunidad para sa pag-unlad ng kabuhayan sa mga lokal na komunidad.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.