Isa sa mga umuusbong na sektor ng ekonomiya ng San Pedro City, Laguna ay ang mga warehouse na nagsulputan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Ngunit pangamba ng ilang mga sektor, ang mga warehouse na ito ay maaari ring magamit bilang pang-imbak ng mga smuggled goods.
Ito ang nadiskubre kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang raid sa isang warehouse sa naturang lungsod kung saan nasabat ang aabot sa P12.6-milyong halaga ng smuggled vape products.
Ang naturang operasyon ay isinagawa ng BOC kasabay ng isa pang raid sa isa pang warehouse sa Maynila noong August 23, kung saan nasamsam rin ang P6.475 milyong halaga ng hinihinalang puslit na vape products gayundin ang P75 milyong halaga ng mga smuggled motorcycle parts at accessories.
Mahaharap sa kaso ang mga may-ari ng mga nasabing warehouse pati na rin ang mga shop owners dahil sa paglabag sa regulated importation at exportation, gayundin ang misdeclaration of goods sa CMTA.
Posible rin silang maharap sa karagdagang reklamo kagaya ng Intellectual Property Code of the Philippines, the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), and a resolution of the National Tobacco Administration on the trade of leaf tobacco and tobacco products ang mga may-ari ng mga na-raid na warehouse.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #BOC #TRAIN