Mga San Pedrense, binalaan laban sa pekeng Catholic org
Scam

Mga San Pedrense, binalaan laban sa pekeng Catholic org

Sep 23, 2024, 8:32 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Pinag-iingat ang mga residente ng San Pedro City, Laguna laban sa mga miyembro ng isa umanong Catholic organization na nanghihingi ng pera sa mga residente.

Sa isang memorandum circular na inilabas ni City Administrator Atty. Henry Salazar kamakailan, binabalaan ang lahat ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga San Pedrense laban sa mga kasapi ng "Filipino Katoliko, Inc." na nanghihingi umano ng solicitation sa mga paaralan, establisyimento at residente para sa pagpaparehistro ng kanilang organisasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Dagdag pa ni Salazar, nagpapakita umano ng ang mga miyembro ng FKI ng isang "Certificate of Appearance" mula sa kanyang tanggapan, ngunit iginiit niya na ang naturang dokumento ay hindi permiso para sa kanila upang manghingi ng pera.

"The City Government does not endorses [sic] and/or permits the fundraising activities of the Filipino Katoliko, Inc.," ayon sa naturang memorandum circular.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbabala ang mga awtoridad laban sa naturang grupo.

Noong 2022 ay nagpalabas ng paalala ang mga opisyal ng Simbahang Katolika sa Palo, Leyte na hindi konektado sa anumang simbahang Katoliko at sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang FKI.

Samantala, sinabi rin ng Roman Catholic Archdiocese of Ozamiz noong 2023 na hindi nito pinapayagan ang anumang grupo, partikular na ang FKI, na magsagawa ng solicitations sa pangalan nito.

“I would like to announce that there is a group claiming that they are Catholics and that their group is named Filipino Katolico Missionary. Do not be deceived because they do not belong to the Roman Catholic Church, and are not under the Catholic Bishops Conference of the Philippines,” ayon kay Ozamiz Archbishop Martin Jumoad

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #FakeCatholicOrganizations #SEC


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.