Mga pulis-Laguna, top performer sa Calabarzon
Police efforts

Mga pulis-Laguna, top performer sa Calabarzon

Apr 29, 2024, 7:05 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Kinilala ang Laguna Police Provincial Office (LPPO) bilang "best performing" police office sa buong rehiyon ng Calabarzon.

Tinanggap ni P/Col. Gauvin Mel Unos, acting director ng LPPO, ang naturang pagkilala sa isang seremonya sa Camp Vicente Lim sa Calamba City noong Lunes, April 22.

Ayon sa Regional Police Office (RPO)-Calabarzon, nakapagtala ang LPPO ng 96.08 percent na iskor sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) ng pangrehiyong kapulisan para sa buwan ng Pebrero.

Kinilala rin ang 1st Provincial Mobile Force Company at mga component police station ng Biñan City at mga bayan ng Nagcarlan, Santa Cruz at Majayjay.

Ayon sa Calabarzon PRO, ang naturang mataas na marka ay dahil sa sunud-sunod na mga matagumpay na operasyon ng LPPO kontra iligal na droga at sugal sa lalawigan.

“We are steadfast in our mission to serve and safeguard our communities, and this accolade serves as a catalyst, igniting our passion for continual advancement. We remain steadfast in our pursuit of excellence, ensuring the safety and security of the people of Laguna," pahayag ni Unos.

Matatandaang naging "topnotcher" rin ang LPPO sa isinagawang mga UPER ng Calabarzon police nitong Disyembre 2023 at noong nakaraang Enero.

#WeTakeAStand #OpinYon #PulisLaguna #LPPO


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.