Mga Pakileño, nanganganib sa landslide
OpinYon Laguna

Mga Pakileño, nanganganib sa landslide

Dec 2, 2025, 7:48 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Lubhang delikado para sa mga residente. Ito ang naging assessment ng mga lokal na opisyal ng Pakil, Laguna sa bahagi ng Barangay Rizal na naapektuhan ng landslide na naganap noong November 20.

Lumabas ang nasabing findings sa pagsusuri na isinagawa ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Ronald James Hidalgo at ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa nasabing lugar kamakailan.


Hindi lang kasi putik ang dumausdos mula sa bundok kundi malalaking tipak ng bato, bagay na tiyak na makakasira ng madaranaan ng mga ito.


Sa ulat naman ng mga tauhan ng DENR, heavily saturated na ang lupa sa nasabing lugar dahil sa malakas pa pag-ulan nitong nakaraang mga araw.


Bukod dito, ang mga puno sa lugar ay may mababaw na ugat, kaya hindi nito kayang maging sapat na suporta para patatagin ang slope.


"Ayon sa DENR–MGB, natural ang paggalaw ng lupa at wala silang nakitang anumang external triggers. Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng pag-alis ng mga bara sa daluyan ng tubig at ang pagpapanatili ng maayos at tuloy-tuloy na waterflow," pahayag ng alkalde.


Gayong walang naiulat na nasugatang residente o napinsalang ari-arian sa landslide noong November 20, inirekomenda ng DENR–MGB na maging higit na maingat ang mga kabahayan sa paligid, lalo na ang maaaring abutin ng putik o daloy ng tubig.


Kasama rin sa mga tinalakay ng Pakil LGU ang posibilidad ng permanenteng relokasyon ng mga nakatira sa nasabing lugar upang mailayo sila sa peligro ng pagguho ng lupa.


Samantala, ilang mga residente ng Pakil ang nanawagan na sa lokal na pamahalaan na ipatigil ang pagpuputol ng puno sa nasabing lugar.


Iginiit rin nila ang pagpapatigil sa Ahunan Dam project na sinisisi nila sa biglaang pagbaha hindi lamang sa bayan ng Pakil kundi pati na rin sa karatig na mga lugar.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.