Mga nagkakarerang tricycle sa Santa Rosa City, kaagad inaksyunan
OpinYon Laguna

Mga nagkakarerang tricycle sa Santa Rosa City, kaagad inaksyunan

Jul 1, 2024, 5:40 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Pinatawan na ng pitong araw na suspensyon ang mga operator ng tatlong tricycle na nahuling nakikipagkarerahan sa Santa Rosa City, Laguna.

Matatandaang naging viral sa social media ang isang video ng tatlong tricycle na umano'y nakikipag-unahan habang binabagtas ang Santa Rosa-Tagaytay Road sa naturang lungsod, matapos itong i-share sa page ng isang mobility website.


Ayon sa inilabas na ulat ng Santa Rosa City Information Office, nakatakdang maglagay ng karagdagang tarpaulin ang Pamahalaang Lungsod bilang paalala sa mga drayber ng tricycle na manatili sa kanan sa kahabaan ng dalawang pambansang lansangan sa Santa Rosa, ang Manila South Road (National Highway) at Santa Rosa-Tagaytay Road.


"Nagsagawa [rin] ng isang Information and Education Campaign (IEC) ang City Traffic Management and Enforcement Unit (CTMEU) o Panlungsod na Sangay sa Pamamahala at Pagpapatupad ng Trapiko (PSPPT) noong ika-15 ng Marso 2023 kasama ang mga pinuno ng iba't-ibang mga TODA at PODA sa Lungsod ng Santa Rosa upang paalalahanan sila at ang kanilang mga miyembro na siguraduhing ligtas ang kanilang mga pasahero sa pamamagitan ng pananatiling nasa pinakagawing kanan ng kalsada tuwing babaybay sa Isang pambansang lansangan," pahayag rin ng Santa Rosa CIO.


Nangako na umano ang mga driver na nahuli sa nasabing video na hindi na nila uulitin ang naturang paglabag sa batas-trapiko.

#WeTakeAStand #OpinYon #IEC #CTMEU #PSPPT #StaRosaLGU


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.