Mga motorista, pwede nang kunin ang plaka sa LTO
LTO

Mga motorista, pwede nang kunin ang plaka sa LTO

May 14, 2024, 3:50 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Wala nang 'virtual plates'. Ito ang tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) kasabay ng panawagan sa mga motorista na i-claim na ang kanilang mga license plate sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO.

Sa isang media interview kamakailan, sinabi ni Clarissa Sulit, LTO Calabarzon operations chief and transportation regulation officer, na marami nang mga plaka na nakatambak lamang sa mga tanggapan ng ahensiya dahil hindi pa nake-claim ng mga motorista.

“There are a lot of license plates in our distribution offices. They can check their receipts if they paid for a placement fee from 2014 to 2015, and their license plate might already be at the LTO branch where they applied," ayon kay Sulit.

Kasama na rito ang mga bagong license plate sa mga motorsiklo na ni-redesign noong 2014, kung saan color-coded ang mga plaka upang madali itong makita sa sandaling ginamit ang mga ito sa krimen o di kaya ay manakaw.

“With so many regions to consider, the LTO found it difficult to determine which color should represent each area. We figured spotting a vehicle’s origin would be easier if they could easily identify the color. That’s why there was a delay in designing the plates,” ayon sa opisyal ng LTO.

Nagpaalala rin si Sulit na may karampatang multa sa mga gagamit ng pekeng mga plaka o di kaya ay gagamit ng temporary plate na hindi awtorisado ng LTO.

“The Highway Patrol Group can easily spot fake license plates. They know that if your plate looks suspicious and does not match your vehicle’s model. You can be flagged down because the [fake] plates look very similar to the ones issued by the LTO," aniya.

#WeTakeAStand #OpinYon #LTO #LTOCALABARZON #LicensePlate


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.