Guyabano, maaaring gawing tsaa? Dito lang iyan sa Quezon!
Kamakailan ay sumailalim sa isang skills training ang mga magsasaka mula sa Barangay Villa Veronica sa bayan ng Buenavista kaugnay ng pagproseso ng guyabano bilang herbal tea.
Ang nasabing training na isinagawa noong March 17 sa Quezon Food and Herbal Processing Center (QFHPC) sa Barangay Talipan, Pagbilao Quezon ay pinangunahan ng Agricultural Support Services Division sa pakikipagtulungan ng PENRO Quezon.
Layunin nitong madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa larangan ng agribusiness, gayundin ang pagbibigay ng alternatibong pagkakakitaan sa pamamagitan ng value-adding sa kanilang mga produkto.
Sa pamamagitan ng pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang wastong paraan ng pagproseso ng dahon ng guyabano upang maging dekalidad na herbal tea na maaari nilang ibenta sa merkado.
Bahagi ang aktibidad na ito ng patuloy na programa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon na naglalayong mapalakas ang kita, kakayahan, at kabuhayan ng mga lokal na magsasaka sa lalawigan.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

