Mga magsasaka sa Sariaya, iginiit ang karapatan sa lupa
DAR

Mga magsasaka sa Sariaya, iginiit ang karapatan sa lupa

Feb 24, 2026, 7:38 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Nag-ingay ang daan-daang magsasaka, mangingisda, at kabataan sa Brgy. Mangalang Kiling, Sariaya, Quezon kamakailan.

Hiniling nila sa mga opisyal ng pamahalaan, partikular kay Kalihim Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Mayor Marivic Gayeta, na aksyunan agad ang isyu sa kanilang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) at ipatupad na ang 2018 zoning ordinance ng kanilang bayan.

Nais ng mga nagpoprotesta na muling buksan sa Korte Suprema ang kaso ng kanselasyon ng kanilang CLOA at mapairal ang zoning ordinance na anila'y magbibigay seguridad sa kanilang mga sakahan at komunidad.

Paulit-ulit na raw nagkaroon ng field validation at pagpupulong ang Presidential Agrarian Reform Council (PARC) para protektahan ang kanilang karapatan sa pagkain, kabuhayan, tirahan, at kalikasan.

Pero ang reklamo ng komunidad, hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang resolusyon sa kanilang problema.

Noong February 3, 2026, nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Sariaya bilang suporta sa kanilang laban at pagkilala sa mahalagang ambag ng mga magsasaka sa pagkain at ekonomiya.

Gayunpaman, ayon sa mga nagpoprotesta, nananatiling tikom ang bibig ng alkalde sa naturang usapin.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DAR


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.