Mga magsasaka sa Laguna, napagkalooban ng titulo
DAR

Mga magsasaka sa Laguna, napagkalooban ng titulo

Jul 8, 2024, 2:41 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Aabot sa 193 na mga magsasaka sa lalawigan ng Laguna ang sertipikadong may-ari na ng lupang kanilang sinasaka.

Ito ay matapos pagkalooban sila ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng Emancipation Patents and Certificates of Land Ownership (ECs/CLOAs) sa isang aktibidad na ginawa sa Santa Cruz nitong Martes, June 25.

Nakiisa rin si Laguna Governor Ramil Hernandez at 2nd District Rep. Ruth Mariano-Hernandez sa pagkakaloob ng mga ECs/CLOAs sa mga magsasaka.

Sa mga titulong ibinigay, 190 sa mga ito ay mula sa Compulsory Acquisition at Resettlement na may lawak na 119.4668 hectares habang 56 naman dito ay mula sa Support to Parcelization of Lands for Individual Tilting o Project Split na binubuo ng 30.1180 hectares.

Bukod sa mga titulo, napagkalooban rin ang mga magsasaka ng mga gamit pang-agrikultura gaya ng isang 3-wheeler cargo vehicle, isang wood chipper, at tatlong automatic electric knapsack sprayers sa ilalim ng Climate Resistant Farm Productivity Support (CRFPS) Sustainable Livelihood Support for Disaster Affected Areas Program ng DAR.

Samantala, tumanggap naman ang Mayatba Farmers Association sa bayan ng Famy ng isang multicab bilang suporta sa vegetable farming livelihood program ng asosasyon.

Umaasa ang DAR na ang pagkakaloob ng mga titulo sa mga magsasaka ay magiging inspirasyon at insentibo sa kanila upang payabungin pa ang kanilang mga bukirin.

#WeTakeAStand #OpinYon #DAR


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.