Mga magkakamaling traffic enforcer, pagmumultahin sa Biñan
OpinYon Laguna

Mga magkakamaling traffic enforcer, pagmumultahin sa Biñan

Sep 30, 2024, 6:15 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Makakatulong ba sa pagsasaayos ng pamamalakad sa trapiko ang pagpaparusa sa mga traffic enforcer na nagkakamali sa paghuhuli?

Ito ang isyu na nais resolbahin ng Public Order and Safety Office (POSO) ng Biñan City, Laguna, lalo na sa mga kasong naaagrabyado ang mga tsuper na nahuhuli ng mga traffic enforcer sa lungsod.


Ayon sa isang Office Memo na inilabas noong August 7 ngunit isinapubliko ni POSO head Rommel Lim ngayong September 19, mananagot at magbabayad ng multa ang mga traffic enforcer sa lungsod kung mapapatunayang nagkamali sila sa paghuhuli sa isang motorista.


Gayundin, ang multang babayaran ng nagkamaling traffic enforcer ay dapat katumbas ng nawalang kita ng motorista o tsuper na nahuli nang mali, batay sa kanilang nawalang oras ng trabaho.


Ayon kay Lim, ang naturang kautusan ay naglalayong mapigilan ang pagiging abusado ng mga traffic enforcer, gayundin ang pagpapataw ng mga mali-maling violation sa mga motorista.


"Hindi tayo kakanlong nang umaabuso at lumalabis sa kanilang tungkulin, ang Batas ay nilikha upang sundin ng lahat at hindi ng iilan lamang," pahayag ng pinuno ng POSO sa kanyang Facebook page.


(OpinYon News Team)

#WeTakeAStand #OpinYon #BiñanLGU #BiñanPOSO

Mga magkakamaling traffic enforcer, pagmumultahin sa Biñan

Mga magkakamaling traffic enforcer, pagmumultahin sa Biñan



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.