Mga gurong Quezonin, tumanggap ng cash incentives
Quezon

Mga gurong Quezonin, tumanggap ng cash incentives

Dec 28, 2021, 6:04 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

LUCENA CITY, Quezon - INAASAHANG makatutulong nang malaki sa mga gurong Quezonin ang cash incentive na kanilang natanggap kasabay ng ginanap na Quezon Educator's Research Convention sa lungsod na ito kahapon (Disyembre 28).

Aabot sa P3,000 cash ang natanggap ng mga gurong lumahok sa nasabing pagtitipon na nanggaling sa Lucena City at mga bayan ng Candelaria, Sariaya, gayundin ang mga guro mula sa Quezon Science High School.

Ayon kay Gov. Danilo Suarez na nanguna sa nasabing pagtitipon, ang naturang incentive ay bilang pagkilala sa mga gurong nagsagawa ng educational research.

Ang nasabing insentibo at bonus ay bahagi ng naipasang 2021 Annual Budget, ayon sa pamahalaangy panlalawigan.

Patuloy rin ang Sangguniang Panlalawigan sa pamamahagi ng cash incentives sa mga guro sa lalawigan ng Quezon hanggang sa Enero ng susunod na taon.

Larawan mula sa Quezon PIO)

Tags: #QuezonProvince #opinyonquezon #opinyonquezon #LucenaCity


More about Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

2 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.