Aabot sa 99 na mga laptop ang ipinagkaloob sa mga guro, non-teaching personnel at piling division employees sa Lucena City.
LUCENA CITY, Quezon – Inaasahang malaking tulong para sa mga guro at non-teaching personnel sa lungsod na ito ang mga laptop na ipinagkaloob sa kanila ng Department of Education (DepEd) – Schools Division of Lucena City noong Pebrero 10.
Ayon sa DepEd, aabot sa 99 na mga laptop ang ipinagkaloob sa mga guro, non-teaching personnel at piling division employees sa Lucena City.
“Isang malaking biyaya na naman ang tatanggapin natin ngayon, sapagkat ang DepEd has recently procured laptops for the identified recipients. Hinihiling po namin sa recipients na maging responsable kung paano mapapangalagaan ang mga laptop na ito,” ayon kay Josephine Natividad, isang guro.
Ang pondong ginamit sa pagbili ng nasabing mga laptop para sa mga kaguruan ay mula sa Bayanihan Funds base sa OUA Memorandum 00-0821-0062.
“Technology is now a part of doing our duties and responsibilities because we cannot perform our tasks without equipment. Ngayon, ay mapalad tayo sapagkat aside from 33 units na allotted sa atin ay may additional 66 laptops pa tayong matatanggap para sa mga paaralan,” ayon kay Schools Division head Hermones Panganiban.
(Larawan mula sa DepEd Tayo Lucena)
Tags: #OpinYonQuezonin, #LucenaCity, #DepartmentofEducation, #laptops
