Upang masigurong tuluy-tuloy ang pagbabalik-loob ng mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), namahagi ang Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE-QPO) ng livelihood package sa mga dating rebelde sa lalawigan ng Quezon.
Upang masigurong tuluy-tuloy ang pagbabalik-loob ng mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), namahagi ang Department of Labor and Employment – Quezon Provincial Office (DOLE-QPO) ng livelihood package sa mga dating rebelde sa lalawigan ng Quezon.
Aabot sa P420,193 na halaga ng sari-sari store package ang ipinagkaloob sa 14 na mga nagbalik-loob sa pamahalaan na nagmula sa mga bayan ng Infanta, Real, Mauban at Sariaya.
Ayon sa kagawaran, layunin ng nasabing proyekto na matulungan ang mga dating rebelde na magkaroon ng hanapbuhay at matugunan angpangangailangan sa kanilang pagbabalik sa kani-kanilang komunidad.
Ito rin ay bilang suporta sa programa ng pamahalaan na Regional and Provincial Task Forces to End Local Communist Armed Conflict (RPTF-ELCAC).
Ani DOLE-QPO head Edwin Hernandez, ang tanggapan ay nakahandang tumulong sa ilalim ng programang ‘Hanap Buhay Para sa Bagong Buhay’ at upang mahikayat ang mga dating rebelde na piliin na mamuhay sa kapayapaan kaysa armadong pakikibaka.
Hiniling ni Hernandez sa mga benepisyaryo na pangalagaan ang ayuda ng pamahalaan dahil ito ay isang paraan upang sila ay makapagbigay ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga mahal sa buhay at makapagpapa-aral din ng kanilang mga anak at mamuhay ng disenteng pamumuhay.
Nagpasalamat naman si “Elmer” (hindi niya tunay na pangalan), isa sa mga nagbalik-loob, sa tulong na ipinagkaloob ng ahensiya.
"Mas madali na po ang aming buhay ngayong nagbalik-loob na kami sa lipunan. Napakahirap ng buhay namin noon dahil nananahan kami sa kagubatan at kabundukan, pero ngayon nararamdaman na namin ang gobyerno dahil sa inyong tulong at serbisyo,” aniya.
Ang pamamahagi ng tulong ay dinaluhan ng 1st Infantry Battalion, 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa Barangay Tongohin, Infanta, Quezon at sinaksihan ng mga opisyal ng DOLE-QPO.
AngELCAC ay nakabatay sa Executive Order (EO) No. 70 series 2018, na nagpapatibay sa “Whole-of-Nation” approach para wakasan ang lokal na insurgency tungo sa pagkamit ng kapayapaan.
Tags: #DOLE#quezonprovince#opinyonnews