Mga checkpoint sa Quezon Province, pinaigting
Quezon

Mga checkpoint sa Quezon Province, pinaigting

Jan 10, 2022, 9:05 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Ipinaliwanag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang pagkakaroon ng mga checkpoint ng Philippine National Police (PNP) ay pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na paghigpitan ang mobility ng mga hindi nabakunahan sa mga pampublikong lugar at transportasyon.

Patuloy ang isinasagawang inspeksyon ng kapulisan sa iba’t ibang checkpoint sa buong lalawigan ng Quezon na naglalayong higpitan ang mobility ng mga hindi bakunado lalo na sa mga lugar na sakop ng Alert Level 3.

Kabilang sa ipinatutupad ang minimum health protocols, social distancing, pagsusuot ng face mask at mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ipinaliwanag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang pagkakaroon ng mga checkpoint ng Philippine National Police (PNP) ay pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na paghigpitan ang mobility ng mga hindi nabakunahan sa mgapampublikong lugar attransportasyon.

Dagdag pa ni Malaya, ang lahat ng mga motorista at commuter ay pinapayuhang magdala ang vaccination card sa lahat ng oras.

Sinabi ni Malaya na ang mga hindi nabakunahan na papasok sa trabaho ay dapat magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test kada dalawanglinggo kung hindi ay hindi sila papayagang makapasa sa mga checkpoint.

Sinisguro naman ng PNP na maisasaayos ang isyu ng pagsisikip ng trapiko sa mga kalsada malapit sa mga checkpoint.

"Magtatalaga ang PNP ng mas maraming unipormadong tauhan sa mga abalang checkpoints at magpapatupad ng iba pang mga pamamaraan upang mabawasan ang abala sa mga bumibiyaheng publiko,” ani Malaya.
“Humihingi kami ng pang-unawa ng publiko sa panahong ito. Kailangan nating gawin ito upang maprotektahan ang mga hindi nabakunahan dahil sila ay madaling kapitan ng kritikal na karamdaman at pag-ospital at kailangan nating protektahan ang ating sistema ng pangangalagang pangkalusugan mula sa pagiging labis," dagdag niya.

Maraming negosyo, medical group, at organisasyon ang nagsusulong na ipatupad ang mga paghihigpit sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng mga impeksyon at banta ng Omicron variant ng Covid-19.

Tags: #OpinYonQuezonin, #Covid19, #checkpoint, #DepartmentOfInteriorandLocalGovernment


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.