Hindi muna papayagan ang mga bisita sa Sampaloc Lake Floating Garden Filter Project sa loob ng isang taon.
Ito ang napagkasunduan sa isang stakeholders' meeting na ginanap ukol sa naturang proyekto na isinagawa sa San Pablo City noong August 16.
Batay sa napag-usapan, tanging mga researchers ang maaaring pumasok sa naturang lugar upang magsagawa ng testing, upang makamit ang layunin ng proyekto na ma-purify ang tubig sa lawa.
Magkakaroon din ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa duties and responsibilities ng bawat tanggapan at grupo na bahagi ng proyekto.
Ang naturang pagpupulong ay inisyatibo ng San Pablo City Tourism Office sa pangunguna ni City Tourism Officer Maria Donnalyn Briñas at dinaluhan ng iba’t ibang ahenysa ng lokal na pamahalaan tulad ng sa agrikultura, kalikasan, ekonomiya, at kapayapaan.
Dumalo rin ang Solomon Travel and Tours, Samahan ng mga Mangingisda sa Lawa ng Sampalok, Rotary Club of San Pablo, at Barangay V-A Chairman Ryan Magyawe.
Ang Sampaloc Lake Floating Garden Filter project ay nagkakahalaga ng P3.3 milyon para sa installation ng tatlong floating gardens na di lang magiging tourist attraction kundi makatutulong rin sa pangangalaga ng yamang tubig ng lawa.
PHOTO LABEL: Photo courtesy of Dong Fullo/San Pablo City Public Forum
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #SampalocLakeFloatingGardenFilter