Isang "hero's welcome" ang tinanggap ng mga mag-aaral ng Los Baños National High School na lumahok at nagwagi sa 17th World Escrima Kali Arnis Federation (WEKAF) World Arnis Championship na ginanap noong July 23 hanggang 28 sa Mandaue City Cultural and Sports Complex, Cebu.
Isang simpleng seremonya ang isinagawa sa campus ng LBNHS noong nakaraang Lunes, August 12, kasabay ng flag-raising ceremony upang kilalanin ang kanilang naging kontribusyon sa pag-angat sa larangan ng palakasan sa lalawigan.
Sa kabuuan, pitong kabataan na naging kinatawan ng lalawigan ng Laguna ang nag-uwi ng 15 medalya sa naturang kompetisyon.
Kabilang na rito sina Abjer De Lumban, Arnis world champion at nag-uwi ng ikalawang pwesto sa kategoryang Knife point 12-13 years M (148.0) at Single Stick 12-13 years M (148.0cm); Izach Benavente, Triple Arnis World Champion nanguna sa mga kategoryang Knife Point 10-11 years M (145.1cm), Single Stick 10-11 years M (141.1cm), Double Stick 10-11 years M (136.1cm); at Aryhana Ramos na nanguna sa kategorya na Double Stick 14-15 years F (156.0cm).
Nanguna ang delegasyon ng Pilipinas na nakakuha ng 155 gold medals sa naturang kompetisyon.
#WeTakeAStand #OpinYon #Sports #WEKAF