Megaworld, itatampok ang Sampaguita Nursery Park
OpinYon Laguna

Megaworld, itatampok ang Sampaguita Nursery Park

Jul 7, 2026, 1:52 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Ikinagagalak ng lokal ng pamahalaan ng San Pedro ang natanggap nitong balita kamakailan mula sa largest hotel operator sa bansa na Megaworld Hotels and Resorts.

Ito ay matapos mapili ang ipinagmamalaki nilang Sampaguita Park and Nursey sa Barangay Rosario upang itampok sa bagong campaign video ng nasabing kumpanya.


Ayon sa Megaworld, nais nilang kilalanin ang ginagawang conservation efforts ng lokal na pamahalaan para mapanatiling buhay ang tradisyon ng pambansang bulaklak.


“We have intentionally chosen to shoot in San Pedro to honor your community who have worked tirelessly to keep this tradition alive while, reaffirm San Pedro’s title of being the Sampaguita Capital of the Philippines, as well as honoring our partnership with you, for inspiring us to bring back the glory days of the sampaguita,” pahayag nito.


Ang pakikipagtulungan ng naturang hotel operator ay hindi na bago dahil dati na rin silang bumisita sa lungsod upang tuklasin ang mayaman nitong kultura pagdating sa sampaguita.


Bilang simbolo ng kanilang brand of service, nauunawaan ng Megaworld ang kahalagahan nito upang ibalik sa kamalayan ng tao.


Para naman sa lokal na pamahalaan, sinasalamin lamang nito ang matagumpay na paglulunsad ng kanilang Sampaguita Revival Project na may layuning ibalik at ipagdiwang ang pagiging Sampaguita Capital of the Philippines ng San Pedro.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.