Hustisya nag sigaw ng kapamilya ng isang empleyado ng Sariaya Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek sa Barangay Lutucan 1, Sariaya, Quezon noong Miyerkules, March 25.
Ayon sa imbestigasyon, papasok sa trabaho bandang 7:30 ng umaga na kinilala lamang sa alyas "Pepe," 37 anyos, nang bigla siyang hinarang at pinagbabaril ng nakamotorsiklong mga suspek sa bahagi ng railroad crossing sa Lutucan.
Nakuhanan ng CCTV ang eksena kung saan lumapit ang isa sa mga suspek sa driver's side ng kotse ng biktima bago sila tumakas.
Agad na isinugod ng mga taga-Sariaya MDRRMO ang biktima sa Ace Medical Center, ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Sa ngayon, patuloy ang masusing imbestigasyon sa nasabing insidente.
Humingi na rin ng tulong sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa detalyadong pagproseso ng crime scene.
Hinahanap pa rin ang mga suspek at inaalam ang motibo ng krimen.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

