May trabaho na ba kayo, mga Lagunense?
Job and Employment

May trabaho na ba kayo, mga Lagunense?

May 25, 2026, 6:45 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Dumami ang bilang ng mga nagkaroon ng trabaho at/o negosyo sa lalawigan ng Laguna noong 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)

Ito ang ibinahagi ni PSA Calabarzon Regional Director Charito Armonia sa isang press briefing noong Miyerkules, May 14, kung saan tinalakay ang kauna-unahang preliminary result ng CALABARZON Labor Force Survey mula 2024 hanggang 2025.


Tanging Laguna at Batangas lang ang nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng employment rate sa buong rehiyon nitong 2025 kumpara noong 2024.


Nagpatuloy ito maging sa unemployment rate bilang mga natatanging probinsya na nakapagtala naman ng pagbaba.


Kaugnay nito, kabilang din ang dalawa sa apat na lalawigan na nakakuha ng mataas na labor force participation rate noong 2025: Batangas (62.8 percent), Cavite (61.4 percent), Laguna (64.4 percent) at Quezon (62.5 percent).


Kung susuriin naman ang pangunahing sektor pagdating sa employment, ang Services Sector (67.9 percent) ang nananatiling bumubuo ng malaking bahagi nito.


Sumunod ang Industry Sector (24.9 percent) at Agriculture Sector (7.3 percent).


Ngunit higit sa job security, ang mas maigi sigurong itanong ay: Sapat nga ba na may trabaho lang tayo para mapunan ang ating pang-araw-araw na pangangailangan?

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.