Bagamat ang latest Pulse Asia survey ng March 17-21 ay nagpapakita pa rin na leading si Ferdinand Marcos Jr. siya ay natapyasan ng 4 percent at si VP Leni Robredo nama’y umangat mula 15 percent the month before (or February) to 24 percent nung Marso or by 9 percent.
Ang survey—Ulat sa Bayan face to face survey of 2,400 people when official campaigning was underway. At least two presidential debates, both of which Marcos Jr. skipped, also took place during the period.
Sabi ng Pulse Asia na yung 24 percent that Robredo got is the highest she registered in any pre-election survey from Pulse Asia. The Vice President’s previous high was 20 percent in the Dec. 1-6, 2021, survey. Her numbers then went down to 16 percent during the Jan. 19-24 poll, and to 15 percent during the Feb. 18-23 survey.
Her voting preference in the latest survey went up to 30 percent from 16 percent in Luzon outside of Metro Manila; to 28 percent from 19 percent in Visayas; to 14 percent from 5 percent in Mindanao; to 30 percent from 17 percent among Class C; to 24 percent from 14 percent among Class D, and to 22 percent from 13 percent among Class E, ika ng Pulse Asia.
Samakatuwid, dito sa class C, D at E pwede pang umangat si Bise Presidente dahil karamihan naman ng mga volunteers at campaigners niya ay nasa Class A at B, na siya rin ang pumopondo ng mga rallies at caravans niya, na dinudumog talaga ng mga tao saan man sulok ng kapuluan.
Marcos Jr.’s running mate, Sara Duterte, daughter of President Duterte, remained the top choice for vice president with 56-percent support, while Senate President Vicente Sotto III was second with 20 percent.
Between February and March, the rating of Marcos Jr. went down in all areas and socioeconomic classes, with the highest decrease recorded in Mindanao (to 62 percent from 68 percent) and among Class E respondents (to 52 percent from 58 percent).
Kung si Busy Presidente ay patuloy ang pangangat sa mga surveys—bagama’t hindi ito ang tunay na batayan kung sino ang mananalo sa botohan—e talagang may pag-asa pa tayong lahat na magkaroon nang isang gubyernong tapat, maaasahan at may moralidad.
Siguro ang mga nagpaangat sa scoring ni VP Leni ay ang sipag niyang (at mga anak at volunteers niya) mangampanya sa classes C, D and E, kung saa’y laging nangunguna si Marcos Jr. at hindi ni minsan siya nag miss sa mga debate at media presidential interviews na malawak ang reach (TV, radio, cable, at livestreaming platforms).
Pangalawa, nabubuo na sa isip ng mga tao na bilang bise si VP Leni ay marami siyang tinulungan at ginawa para sa mga nasa laylayan at siya ay sinsero sa kanyang pamumuno at walang bahid ng korapsyon, katamaran at absenteeism.
Pangatlo ang lumalawak na sector na nageendorso sa kaniya dahil sa kaniyang kasipagan, katalinuhan, at walang takot na mag implement ng mga projects at magconduct ng consultations sa mga liblib na lugar na kinatatakutan ng karamihang pulitiko.
Ang mga araw araw na face to face campaigns nina Aiko at Doc Tricia ay mararamdaman ang epekto kapag malapit na May 9. Hindi rin naman nagpapabaya ang mga anak ni Bise Presidente.
Malaking impact sa pagbababa ng rating ni Marcos Jr. ang estate na taxes na P203 billion na ngayo’y kinagagalit ng mga mamayang nagbabayad ng mga buwis at pati na rin ang adamance niya sa pagdalo sa mga debates ng Comelec. Dito’y nagtataka ang kaniyang mga supporters kung bakit ayaw niyang sumagot sa mga paratang sa pamilya niya na tila baga ay may katotohanan na siyang iniiwasan niyang pilit.
Si Marcos Jr ay bumaba sa apat na lokasyon – Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, and Mindanao – even as he kept his lead. The Uniteam bet saw his numbers drop by 2 percentage points in the National Capital Region, 4 percentage points in Balance Luzon, 5 percentage points in the Visayas, and 6 percentage points in Mindanao.
Si Robredo naman ay umangat sa lahat ng locations maliban sa NCR. She rose by 14 percentage points in Balance Luzon, 9 points in Visayas, and 9 points in Mindanao. In NCR, her preference numbers was 1 percentage point lower.
Inattribute ng camp ni Robredo ang pagtaas sa kanilang ground campaign.
“The survey numbers are starting to reflect what we have been seeing on the ground all along: the massive crowds, the fierce passion, the untiring commitment of Filipinos from all walks of life, coming together to rally behind Leni Robredo’s bid for the Presidency,” Barry Gutierrez said in a statement. “What we are seeing now is the turning of the tide.”
Curiously maihahambing natin ang survey results at final elections sa Pasig noong 2019 when incumbent Mayor Robert Eusebio ay tuloy tuloy ang pagsikad sa mga surveys ngunit one week bago ang elections, ay biglang sumipa ang numbers ni Vico Sotto at ito’y nagpatuloy hanggang siya’y mahalal ng malaking margin.
So may pag-asa pa talaga na maging presidente si Bise P. Leni. Huwag tayong mawalan ng lakas ng loob at panalangin.