Mass shooting plot, napigilan
Mass Shooting

Mass shooting plot, napigilan

Mar 24, 2026, 2:16 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

Napigilan ng mga awtoridad ang umano’y planong mass shooting ng isang grupo ng mga kabataang estudyante sa isang paaralan sa rehiyon ng CALABARZON matapos itong matunton ng mga imbestigador ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (ACG).

Batay sa ulat ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang ACG mula sa kanilang mga counterpart na law enforcement agency sa ibang bansa hinggil sa usapan ng ilang kabataan sa social media na nagpaplano ng pag-atake.


Lumitaw sa dokumento ng pulisya na ang grupo ay binubuo ng pitong estudyante na pawang 15 taong gulang, kabilang ang isang babae.


Ayon kay ACG chief P/BGen. Wilson Asueta, agad na nagsagawa ng cyber monitoring at tracking ang kanilang mga tauhan hanggang sa matukoy ang kinaroroonan ng mga kabataan.


Noong February 2, matagumpay na natunton at na-rescue ng pulisya ang mga estudyante bago pa man maisakatuparan ang kanilang planong pag-atake na nakatakda umano noong February 16.


Sinabi ng mga cybercrime investigator na noong January 13 pa lamang ay nagbabala na ang kanilang foreign counterparts tungkol sa ilang user ng Facebook na nag-uusap hinggil sa planong pag-atake.


Sa kanilang mga online na pag-uusap, nabanggit umano ang paggamit ng baril, improvised explosive devices (IEDs), at maging fire extinguishers bilang bahagi ng gagawing pag-atake sa paaralan.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.