Full force ngayon ang mga tauhan ng Santa Rosa City Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Santa Rosa City, Laguna sa kanilang Business One-Stop Shop (BOSS) na sinimulan noong January 5.
Upang mas ma-accommodate ang mga negosyante, bukas na ang BOSS sa Santa Rosa City Sports Complex tuwing Sabado at Linggo, ayon kay BPLO head Olivia Laurel. May dedicated lanes rin sila para sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWD), bukod pa sa libreng WiFi connection, libreng pakape at souvenirs para sa mga maagang magpaparehistro ng kanilang mga negosyo. (Larawan mula kay Catherine Go)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #BPLOStaRosaLaguna

