Mas murang pabahay sa Calamba City
Philippine Government

Mas murang pabahay sa Calamba City

Apr 15, 2024, 2:19 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Inaasahang aabot sa 2,000 pamilyang Calambeño ang makikinabang sa bagong housing project ng national government na lungsod na ito kamakailan.

Pinangunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng pamahalaang lungsod ng Calamba ang groundbreaking ceremony para sa bagong Recidenza Rizal sa Barangay Real.


Ayon kay DHSUD Assistant Secretary Rosve Henson, parte ang naturang proyekto ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) program ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.


“This is a project that will answer the basic need for housing without having to put up equity as compared to other housing projects with an average cost of P4 million and above,” pahayag ni Henson.



Dagdag pa niya, maaaring i-amortize sa Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) ang itatayong mga housing units na nagkakahalaga ng P1.5 hanggang P1.8 milyon.


Bukod dito, hindi rin umano gagastos ang pamahalaan sa naturang proyekto dahil sagutin na ng developer nito na RH Digos Designworks and Construction ang lahat ng gastusin sa pagpapatayo ng mga housing units.


Samantala, sasagutin naman ng pamahalaang lungsod ng Calamba ang pag-aayos sa mga legal requirement ng mga benepisyaryo.



“This is a new concept of city dwelling living in high-rise buildings,” ani Henson.

#WeTakeAStand #OpinYon #DHSUD #MurangPabahay #4PH


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.