Mas malinis na Sampaloc Lake
OpinYon Laguna

Mas malinis na Sampaloc Lake

Apr 28, 2026, 2:20 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Sino nga ba ang hindi matutuwa kapag nakitang malinis ang ating kalikasan?

Tila nabuhayan kasi ng kumpiyansa ang mga residente sa lungsod ng San Pablo, Laguna matapos mapansin ang ilang pagbabago sa ipinagmamalaki nilang Sampaloc Lake.


Ito ay dahil nagsagawa kasi noong Martes, Abril 21, ang nasa 30 kawani ng Seven Lakes Fisheries and Aquatic Resources Management Council (SLFARMC) at 15 miyembro ng Samahan ng Mangingisda sa Lawa ng Sampalok ng isang clean-up drive sa naturang lawa.


Katuwang din nila ang San Pablo City Agriculture Office sa nasabing paglilinis kung saan saku-sakong basura kagaya ng plastic bottle, plastic cup at halaman ang kanilang nakolekta dito.


Panawagan tuloy ng mga residente, sana magtuloy-tuloy ang aktibadad ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling malinis at maganda ang pinakamalaki sa “Seven Lakes” ng lungsod.


Matatandaan na ilang beses nang inireklamo ang anila’y pagpapabaya sa Sampaloc Lake dahil sa paulit-ulit na pagkakalat dito ng basura at kemikal.


Malaking banta kasi ito sa parehong kalusugan ng mga tao at isda gayong pinagkukunan ito ng hanapbuhay ng ilang residente.


Ayon kay SLFARMC President Ernesto Arida, dahil dito higit na mas importante na pangalagaan hindi lang ang Sampalok Lake kundi maging ang iba pang lawa sa lungsod.


(Mga larawan mula sa Agriculture San Pablo/Facebook)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.