Mangingisda, nalunod sa ilog
Death

Mangingisda, nalunod sa ilog

Jan 21, 2026, 8:24 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkalunod ng isang mangingisda sa isang ilog sa Calamba City, Laguna noong Huwebes, January 15.

Kinilala ng Calamba City Police ang biktima na si alyas "Lorenzo," 24 anyos at residente ng Barangay Looc ng nasabing lungsod.

Ayon sa naging pahayag ng kapwa mangingisda niya na kinilalang si alyas "Celso," 49 anyos, namimingwit siya sa San Cristobal River bandang gabi ng Miyerkules, January 14 nang mapuna niya ang bangka ng biktima na palutang-lutang lamang sa ilog na walang sakay.

Nang makita niya ang flashlight ng biktima na palutang-lutang sa ilog, doon na niya iniulat sa pamilya ni "Lorenzo" ang pangyayari.

Nagsagawa naman kaagad ng search and rescue operation ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Philippine Coast Guard (PCG).

Bandang 10:00 na ng umaga ng sumunod na araw nang maiahon mula sa ilog sakop ng Barangay San Cristobal ang bangkay ng biktima.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima upang matukoy kung may naganap na foul play sa kanyang pagkamatay.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.