Parte na ng disaster preparedness plans ng mga lokal na pamahalaan ang pagdaraos ng regular drills upang maging handa para sa mga sakuna kagaya ng lindol.
Ngunit paano kaya kapag nagkaroon ng sunog sa isang gusali?
Sa gitna ng pagtaas ng insidente ng mga sunog sa Calabarzon region, kabilang na ang insidente ng sunog sa Laguna State Polytechnic University (LSPU) noong Marso na ikinamatay ng isang estudyante, isinusulong ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagkakaroon ng mandatory fire drills sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at pribadong establisyimento sa rehiyon.
Sa ginanap na pulong ng Regional Peace and Order Council (RPOC) Calabarzon noong June 24, inihayag ng mga opisyal ng BFP na "nakakaalarma" ang pagtaas ng mga insidente ng sunog sa rehiyon simula noong 2022, nang muling magbalik ang mga face-to-face economic activities matapos ang pandemya.
“The Bureau of Fire Protection’s Regional Intelligence and Investigation Section recorded 907 fire incidents in 2022, which rose to 1,095 in 2023, and further increased to 1,331 incidents by the end of 2024. Notably, five of these incidents occurred in government establishments,” ayon sa BFP.
Bukod sa mandatory fire drills, isinusulong na rin ng ahensya ang pagpapaigting ng fire safety inspections sa mga pampubliko at pribadong istruktura upang masigurong ligtas ang mga ito mula sa banta ng sunog.
“It is imperative to foster strong coordination and seamless collaboration among the primary agencies involved to ensure comprehensive compliance with fire safety regulations," pahayag ng mga opisyal.
(Ulat mula sa Philippine Information Agency)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews