Majayjay Church: Unang 'minor basilica' sa Laguna
Catholic Church

Majayjay Church: Unang 'minor basilica' sa Laguna

Mar 2, 2026, 6:13 AM
Criselle Lucban

Criselle Lucban

Contributor

Editor's Note: Ito ang ikalawang bahagi ng "Pilgrim Watch,” isang feature series ukol sa mga makasaysayang simbahan sa lalawigan ng Laguna na maaaring puntahan sa darating na Mahal na Araw.

Sa bayan ng Majayjay ay matatagpuan ang simbahan na kamakailan ay idineklara bilang kauna-unahan at ang tanging "Minor Basilica" sa lalawigan ng Laguna.


Ito ang San Gregorio Magno Parish Church sa F. Blumentritt Street ng nasabing bayan, na isa rin sa itinuturing na pinakamatandang mga simbahan sa Pilipinas.


Nagsimula ang konstruksyon ng simbahan noong 1616 at natapos ito noong 1649.


Dumaan ito sa ilang mga pagsasaayos at pagkukumpuni sa paglipas ng mga siglo dahil sa pinsala mula sa mga sunog, bagyo, at digmaan.


Bukod sa religious significance nito, nagkaroon rin ito ng papel sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas.


Ang nasabing simbahan ay ginamit bilang headquarters ng American Army sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa noong 1900's.


Taong 2001 nang ideklara itong National Cultural Treasure ng National Museum, habang noong January 25, 2025 ay opisyal na ginawaran ng yumaong Pope Francis ang nasabing simbahan bilang isang Minor Basilica.




Paano pumunta?


Kapag galing Manila sumakay ng bus mula (Pasay/Cubao) papuntang Sta. Cruz, Laguna (mga 2-3 oras, ₱180-₱200), pagkatapos ay sumakay ng jeepney o traysikel papuntang bayan ng Majayjay (30-45 mins, ~₱30-40). Ang kabuuang oras ng paglalakbay ay 3-4 na oras, na may mga gastos mula ₱250-₱600+ isang daan depende sa uri ng transportasyon.


Kung taga San Pedro patungong Santa Cruz, sumakay ng bus o jeepney na biyaheng Santa Cruz, Laguna.


Maaari kang mag-abang sa National Highway ng mga bus na galing Alabang (tulad ng HM Transport o Worthy Transport) na biyaheng Santa Cruz.


Alternatibo: Pumunta sa Biñan o Calamba (SM Calamba/Crossing) para makasakay ng bus o jeepney papuntang Santa Cruz.


Ang pamasahe ay nasa ₱40 - ₱60.


Calamba pa-Santa Cruz: Mula sa Calamba, sumakay ng bus (hal. LLI Bus) o jeep papuntang Santa Cruz (Pagsawitan). Ang pamasahe sa bus ay nasa ₱60 - ₱80.

Santa Cruz pa-Majayjay: Sa terminal sa Santa Cruz, sumakay ng jeep na may markang "Majayjay". Sabihin sa driver na bababa ka sa simbahan (bayan). Ang pamasahe ay nasa ₱40 - ₱50.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #MajayjayChurch


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.