Sinabi ni QMC Director Dr. Rolando Padre na karamihan sa mga health worker na tinamaan ng virus ay fully-vaccinated na at mayroon na ring booster shots.
LUCENA CITY, Quezon - Aabot na sa 30 medical frontliners na nagtatrabaho sa Quezon Medical Center (QMC), kabilang ang 17 doktor, ang nagpositibo sa Covid-19, ayon sa ospital.
Sa isang pahayag, sinabi ni QMC Director Dr. Rolando Padre na karamihan sa mga health worker na tinamaan ng virus ay fully-vaccinated na at mayroon na ring booster shots.
“All of them did not require hospitalization,” ani Padre.
Dagdag pa niya, tatlong manggagamot na nahawaan ng Covid-19, kabilang ang mismong direktor,\ ay itinuring nang "recovered" mula sa masabing sakit.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga health workers na tinatamaan ng Covid-19 sa lalawigan ng Quezon, pansamantala munang isinara ang Obstetrics and Gynecology (Ob-Gyn) at pediatric ward sa nasabing ospital.
Ngayong araw (Enero 17) ay nakapagtala ang lalawigan ng Quezon ng 1,598 na aktibong kaso ng Covid-19.
Tags: #OpinYonQuezonin, #QuezonMedicalCenter, #LucenaCity, #frontliners, #Covid19