Maharlika Highway, ayusin na ASAP!
Road Repair

Maharlika Highway, ayusin na ASAP!

Apr 16, 2026, 7:35 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

PAGBILAO, Quezon - Hindi na dapat lumagpas ng Semana Santa ang kalbaryo ng mga motoristang dumadaan sa Maharlika Highway sa lalawigan ng Quezon.

Ito ang utos ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa mga tauhan ng DPWH sa lalawigan, kasunod ng kanyang pag-iinspeksyon sa nasabing daan kamakailan.


Ayon kay Dizon, mismong si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na ang nag-utos sa DPWH na tiyakin na hindi "substandard" ang gagawing rehabilitasyon ng Maharlika Highway hindi lamang sa Pagbilao kundi sa iba pang bahagi ng bansa.


Ang direktibang ito ay upang matugunan ang matagal nang problema sa mga sirang kalsada na nagdudulot ng abala sa mga motorista, bukod pa sa pagtaas ng konsumo sa gasolina at dagdag-gastos sa biyahe.


Sa isinagawang pag-inspeksyon nitong Lunes Santo (March 30), tiniyak ni Dizon na mabilis na natapos ang rehabilitasyon ng kalsada at kapansin-pansin ang kalidad ng pagkakagawa.

“Mahigit isang buwan lang eh naayos na ito. Ang ganda talaga ng pagkagawa. Kitang-kita niyo naman, ang kapal nung aspalto, maayos. Tapos talagang makikita mo yung epekto sa biyahe, napakalaki,” ayon sa kalihim.


Patuloy namang inaasahan ang pagsasaayos ng iba pang pangunahing kalsada sa bansa bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang mapabuti ang kalsada sa buong bansa.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.