Magtiyuhin, patay matapos makuryente sa Mulanay
Quezon

Magtiyuhin, patay matapos makuryente sa Mulanay

Sep 22, 2022, 7:42 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

Patay ang magtiyo matapos umanong makuryente sa kabundukan ng Mulanay, Quezon, Miyerkules, September 22.

MULANAY, Quezon - Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang senior citizen at kanyang pamangkin matapos umano silang makuryente sa isang liblib na bahagi ng bayang ito Miyerkules (September 21).

Kinilala ni PCapt. Joseph Ian Java, hepe ng Mulanay Municipal Police Office, ang mga biktima na sina Fabian Bia, 75 anyos; at Sherwin Mediavilla, pamangkin nito.

Ayon sa imbestigasyon, alas-sais ng gabi nang matagpuan ni Reymark Mediavilla ang mga bangkay ng kanyang tiyuhin at pinsan malapit sa isang nakalaylay na kawad ng kuryente sa kabundukang sakop ng Barangay Sta. Rosa.

Posible umanong hindi napansin ng mga biktima ang nakalaylay na kawad ng kuryente na nababalot ng mga damo.

(Larawan mula sa Mulanay MDRRMO)


More about Quezon

Gov. Tan bares plans to revitalize Quezon on World Tourism Day

Gov. Tan bares plans to revitalize Quezon on World Tourism Day

2 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.