Magsasaka, natagpuang patay sa bukid
Death

Magsasaka, natagpuang patay sa bukid

Makikipag-ayos na sana

Aug 12, 2026, 3:32 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Sa halip na mapayapang lutasin ang sigalot ay trahedya pa ang kinasapitan ng isang pamilya sa San Pablo City, Laguna.

Ito'y matapos matagpuan ang bangkay ng isang 26-anyos na magsasaka na makikipagkasundo na umano sa nakaalitang kapatid sa nasabing lungsod noong Lunes, August 3.


Sa ulat ng San Pablo City Police Station, isang ring magsasaka na kinilalang si alyas "Leon", 69 anyos at residente ng Barangay San Cristobal ng naturang lungsod, ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima na kinilalang si alyas "Athan," residente ng naturang lugar.


Ayon kay "Leon" na caretaker ng isang farm sa Barangay San Cristobal, pasado alas-singko ng umaga nang madiskubre niya ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa gitna ng bukirin at may saksak sa dibdib.


Wala umanong nawala sa mga personal na gamit ng biktima, at hindi rin tinangay ang kanyang motorsiklo na natagpuang nakaparada malapit sa lugar ng insidente.


Sa pagsisiyasat naman sa cellphone ng biktima ay natuklasang nais na umano niyang makipag-ayos sa isa niyang kapatid na may matagal nang sama ng loob sa kanya.


Hindi umano sinagot ng kanyang kapatid ang mga text message ng biktima sa kanya.


Gayunpaman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang tunay na motibo sa pagpaslang sa biktima.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.