Magsasaka ang panalo sa 'Rice Festival' ng Lopez
Celebrations and Festivals

Magsasaka ang panalo sa 'Rice Festival' ng Lopez

Mar 31, 2026, 3:00 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Matagumpay na naisagawa ang Rice Harvest Festival (Rice Varietal Trial) sa Lopez Municipal Nursery, Barangay Tan-ag Ibaba, Lopez, Quezon kamakailan.

Umabot sa 35 mga aktibong magsasaka mula sa Brgy. Tan-ag Ibaba, Tan-ag Ilaya, Banabahin Ibaba, Banabahin Ilaya, at Mahayodhayod ang lumahok sa festival.


Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng bayan ng Lopez na higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura at mapataas ang ani ng mga lokal na magsasaka.


Layunin nito na subukan at suriin ang iba’t ibang uri ng makabagong binhi ng palay upang matukoy kung alin ang pinaka-matibay, pinaka-angkop, at may pinakamataas na potensyal ng ani sa mga bukirin ng Lopez.


Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) at mga magsasaka, nabigyan ng oportunidad ang mga kalahok na mas mapalalim ang kanilang kaalaman hinggil sa modernong teknolohiya at pamamaraan ng pagsasaka.


Nagbahagi ang mga magsasaka ng kani-kanilang karanasan at natutunan mula sa pagsubok ng iba’t ibang uri ng binhi, at nagkaroon din ng pagkakataong makipag-ugnayan sa mga agricultural experts para sa dagdag na kaalaman at suporta.


Lubos ang suporta ni Mayor Isaias Ubana II at ng buong lokal na pamahalaan ng Lopez sa mga programang katulad nito, dahil naniniwala silang susi ang pag-unlad ng agrikultura sa mas matatag na kabuhayan at masaganang ani para sa bawat pamilyang Lopezian.


Patunay na ang mga inisyatibang ito at walang sawang pagtutok ng pamahalaan sa kapakanan ng mga magsasaka at patuloy na paghahanap ng makabago at epektibong solusyon upang matugunan ang hamon ng makabagong panahon sa larangan ng pagsasaka.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #RiceFestival


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.