Magdedeposito ng pera, hinarang ng holdaper
OpinYon Laguna

Magdedeposito ng pera, hinarang ng holdaper

Dec 10, 2024, 2:32 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Dalawang empleyado ng isang courier company ang natangayan ng pera ng kanilang kumpanya matapos silang harangin ng dalawang holdaper sa Santa Cruz, Laguna nitong nakaraang Lunes, December 2.

Ayon sa dalawang biktima na kinilalang sina "Nicole" at "Erwin," papunta na sana sila sa bangko upang ideposito ang kita ng courier company na pinagtatrabahuhan nila nang, pagdating sa isang subdivision sa Barangay Calios, ay hinarang ang kanilang motorsiklo ng isang lalaki.


Sapilitang kinuha ng suspek ang bag na naglalaman ng aabot sa P587,000 at pagkatapos ay agad tumalilis sakay ng isang motorsiklo papunta sa hindi pa malamang direksyon.


Posible umanong minanmanan ng mga suspek ang galaw ng mga biktima dahil tila alam nilang papunta sa bangko ang mga ito.


Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng Santa Cruz police upang madakip ang mga suspek.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #Crimes


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.