Magbababoy sa Calabarzon, tatanggap ng bayad-pinsala photo DA-4A
Quezon

Magbababoy sa Calabarzon, tatanggap ng bayad-pinsala

Nov 24, 2021, 7:38 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Naglaan ng pondo ang pamahalaan at Department of Agriculture Region IV-A Calabarzon, bilang pagtupad sa kanilang pangako sa mga magbababoy na nakipagtulugan sa kagawaran upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na African Swine Fever (ASF).

Makatatanggap ng bayad-pinsala ang mga magbababoy na nakipagtulungansa Department of Agriculture (DA-4A) upang mapigilan ang pagkalat ngAfrican Swine Fever (ASF).

Ito ang sinabi ni Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) OIC-Regional Executive Director VilmaDimaculangan sa pamamahagi ng indemnification o bayad-pinsala na muling sinimulan noong Nobyembre 8 sa Laurel at sa San Jose, Batangas.

Nasa P10,000 kung palakihin at P14,000 kung inahin ang matatanggap ng mga magbababoy sakaling mamatay ang kanilang alaga dahil sa ASF.

Nasimulan nang ipamahagi noong 2019 hanggang 2020 ang P226,931,000 halaga ng indemnification para sa 6,871 na magbababoy sa rehiyon na pinondohan naman ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinimulan na rin ngayong taon ang pamamahagi ng natitirang P79,350,000 halaga ng indemnification sa 536 magbababoy mula sa mga bayan ng Taal, Cuenca, Nasugbu, Laurel, San Jose, at San Juan sa probinsya ng Batangas at sa lungsod ng Lucena sa probinsya ng Quezon.

Inaasahang matatapos ngayong taon ang pamamahagi ng indemnification sa natitirang 1,417 magbababoy sa rehiyon.

Nagpasalamat naman sa DA ang mga magbababoy sa pagtupad ng kanilang pangako nabayad-pinsala na magagamit nila bilang pagsisimula sa hanapbuhay.

Binigyang diin naman ni Regional Director Dimaculangan ang kahalagahan ng pagseseguro ng alagang baboy sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Tags: #opinyonquezon #QuezonProvince #opinyonnews#departmentofagriculture


More about Quezon

Quezon province earns ‘Seal of Good Housekeeping’

Quezon province earns ‘Seal of Good Housekeeping’

4 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.