MAG-INGAT SA PERTUSSIS
Medical Health

MAG-INGAT SA PERTUSSIS

Dumarami Suspected Cases Ng Whooping Cough

Apr 8, 2024, 7:06 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

BATANGAS CITY – Naglabas ng advisory ang city health offfice ng lungsod hinggil sa mahigpit na pagi-ingat dahil sa ilang suspected cases ng pertussis o whooping cough sa lungsod.

Sa panayam kay City Health Office Medical Officer IV at Medical Program Manager ng National Immunization Program na si Dr. Riah Concepcion Aguda, inilahad niya sa programang “P.I.O., ang Lingkod Nyo!”, sinabi nya na

“mainam na komonsulta agad sa pinakamalapit na barangay health center kapag nakakaranas ang anak o mamamayan ng nabanggit na sakit upang malapatan agad ng karampatang gamot.”

Ang pertussis o whooping cough na malimit ay dumadapo sa mga bata ay isang nakakahawang sakit na sanhi ng bacteria na bordetella pertussis ngunit ito a “highly curable” kapag hindi pinabayaan.

Ito ay matinding pag-ubo na maaaring tumagal ng ilang lingo o higit pa.

Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng respiratory droplets o sa mga patak na nagmumula sa ubo o bahing ng isang taong may impeksyon.

“Ang mga sanggol na wala pang isang taong gulang ang karaniwang tinatamaan ng pertussis,” dagdag pa ni Aguda.
“Ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, sipon, ubo, at pagbahing na may kasamang mahangin na tunog at hirap sa paghinga.”


Payo pa ni Aguda na kaagad na kumonsulta sa doctor kung nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas.


Ilan aniya sa mga preventive measures laban sa naturang sakit ay ang madalas na paghuhugas ng kamay, pagsunod sa tamang etiquette sa pag-ubo, at pagpapabakuna.


Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng Diphtheria Tetanus Pertussis (DTap) sa mga sanggol.


Ito aniya ay ipinagkakaloob ng libre ng CHO sa mga Health Centers sa lungsod.


Upang maiwasan ang paglaganap ng nabanggit na sakit, nagsasagawa sila ng masterlisting at catch-up immunization program upang masiguro na mabakunahan laban sa pertussis ang mga sanggol sa Batangas City.


Para naman sa mga adults, pinayuhan niya ang mga ito na palakasin ang immune system sa pamamagitan ng tamang diet, pag-eehersisyo at healthy living upang di dapuan ng pertussis.


Di Pa Under Control

Ayon naman sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH), mayroong nang 862 na naging kaso ng pertussis sa buong bansa. Nasa 49 na namatay mula Enero 1 hanggang Marso 24, sangayon kay Kalihim ng Kalusugan na si Undersecretary Eric Tayag.


Nauna nang nagdeklara ng outbreak ng pertussis ang ilang lungsod dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso sa kanilang lugar.


Sinabi ni Tayag na hindi sapat ang suplay ng pentavalent vaccines ng DOH, na ginagamit upang maiwasan ang sakit, para sa lahat ng mga bata.


"Ang pertussis ay kilala sa mabilis na paghawa sa mga sanggol. Sa kasamaang palad, may proteksyon tayo laban dito sa pamamagitan ng pentavalent 5-in-1 vaccine na sinisimulan sa 6 na linggo ang edad. Gayunpaman, paubos na ang suplay ng bakuna," pahayag ni Tayag sa isang panayam noong April 3.


Samantala, sinabi ng opisyal ng Kalusugan na ang sitwasyon sa pertussis ay "hindi pa under control" dahil patuloy pa ring lumalaki ang bilang ng mga kaso.


"Hindi natin masasabi na under control na ito (pertussis) dahil patuloy pa ring dumarami ang mga kaso. Gayunpaman, marami sa atin ang maaaring mag-ingat upang protektahan ang ating mga sanggol," dagdag pa ni Tayag.

#WeTakeAStand #OpinYon #PertussisOutbreak


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.