M4GG workshop sa Sariaya
Quezon

M4GG workshop sa Sariaya

Mar 5, 2026, 5:36 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Laking pasasalamat ng mga alkalde mula sa Calabarzon region ang isinagawang workshop ng grupong Mayors For Good Governance (M4GG) sa Sariaya, Quezon kamakailan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sariaya Mayor Marivic Gayeta na isang "malaking karangalan" para sa naturang bayan ang pagiging host ng M4GG South Luzon Mayors Workshop na ginanap sa Balai Lingkuran.


Pinangunahan ng isa sa mga convenor ng M4GG na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang nasabing workshop, kung saan nagtipon-tipon ang mga alkalde mula sa iba’t ibang bahagi ng Timog Luzon upang magbahaginan ng best practices, talakayin ang mga hamon sa pamamahala, at palakasin ang ating adhikain para sa mas bukas, tapat, at makabagong lokal na pamahalaan.


Katuwang din sa nasabing workshop ang British Embassy Manila, na patuloy na sumusuporta sa mga inisyatibang nagtataguyod ng transparency, accountability, at participatory governance sa mga lokal na pamahalaan.


Dagdag ni Gayeta ay naniniwala siya na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos at bukas na pamumuno.


Patuloy din aniyang makikipagtulungan at matututo mula sa isa’t isa ang mga alkalde ng Calabarzon para sa mas maayos, mas epektibo, at mas makataong serbisyo publiko.


(Ulat ni Ace Fernandez)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.