Lucena city hall, tumanggap ng DILG Safety Seal Certification
Quezon

Lucena city hall, tumanggap ng DILG Safety Seal Certification

Oct 26, 2021, 8:18 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

TINANGGAP kamakailan ng pamahalaang lungsod ng Lucena ang Safety Seal Certification mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang selyo ay patunay na maayos na ipinatutupad ng pamahalaang lokal ang mga health protocol na inilatag ng pamahalaang nasyonal, sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force (IATF), upang masugpo ang pagkalat ng sakit na Covid-19.

Si City Director Engr. Danilo Nobleza ang tumanggap ng nasabing sertipikasyon sa pangalan ni Mayor Roderick "Dondon" Alcala at ng buong pamahalaang lungsod.

Pinapurihan ni Nobleza si Alcala dahil sumisimbolo lang aniya ito ng matagumpay at magandang pamamalakad ng alkalde sa nasabing lungsod.

Ipinaabot naman ni Nobleza ang pangako ni Mayor Alcala na patuloy na susunod ang mga opisina ng lokal na pamahalaan sa minimum health protocols para mabigyang proteksyon ang mga mamamayang nagpupunta rito.

Samantala, patuloy ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan sa mga establisyimento sa lungsod ng Lucena na mag-apply para sa Safety Seal upang masigurong matutupad ng mga ito ang mga hakbangin upang tuluyan nang mawakasan ang pandemiya ng Covid-19.

Tags: #Lucena #opinyonquezon #opinyonnews #QuezonNews #safetysealcertified


More about Quezon

QUEZON Zanjoe Marudo explores his roots in Calauag

Aside from frolicking in Batangas and Baguio, Zanjoe Marudo explores his roots in Calauag

2 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.