Opisyal na inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang Facebook page ang pagtatapos ng proyektong Lucban Bypass Road na tiyak na makakapagpabilis sa daloy ng trapiko sa naturang bayan.
LUCBAN, Quezon – TIYAK na malaking ginhawa sa mga motorista ang pagbubukas ng bagong bypass road sa bayang ito.
Opisyal na inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang Facebook page ang pagtatapos ng proyektong Lucban Bypass Road kamakailan.
Ang bagong bypass road ay may habang 3.8 kilometro at bumabaybay sa mga barangay ng Ayuti, Abang, at Kulapi sa bayan ng Lucban.
Ito ay may entry point sa kahabaan ng Lucban-Majayjay Road at may interseksyon sa Lucena-Tayabas-Lucban-Sampaloc-Mauban Port Road at kumokonekta sa exit point nito sa kahabaan ng Lucban Diversion Road.
Pahayag naman ni DPWH Quezon 1st District Engr. Chymbelin Ibal, bukas na sa publiko at maaari nang gamitin ng mga motorista ang naturang kalsada.
“We are allowing the public to use this bypass road as we undertake its remaining civil works. We aim to fully-complete the project by the first quarter of 2022,” pahayag ni DPWH Secretary Mark Villar.
Mayroon pang ilang kailangang tapusin tulad ng paglalagay ng street lights, drainage at sidewalk, pahayag ng kailhim.
Ayon pa kay Villar, ito ay makakatulong sa alternatibong ruta ng mga biyaherong magmumula sa Metro Manila patungo sa Southern Luzon at Bicol Region, gayundin upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.
Ang naturang proyekto ng DPWH ay pinaglaanan ng pondong nagkakahalaga ng P615.07 milyon na sinimulan noong 2016.
Sa pagtatapos ng bagong kalsadang ito, hindi lamang ang pagkakaroon ng iwas trapiko sa byahe ang maidudulot nito, kundi makakaiwas din ito sa anumang uri ng aksidente sa panahon ng pagmamaneho gayundin sa mga turistang nagnanais tumungo sa bayan ng Lucban.
Tags: #OpinYonQuezonin, #LucbanQuezon, #LucbanBypassRoad, #DepartmentofPublicWorksandHighways, #infrastructure