‘Lubak’ no more sa Lucban
Quezon

‘Lubak’ no more sa Lucban

Feb 5, 2026, 6:45 AM
Jane Hernandez

Jane Hernandez

Contributor

Wala nang lubak sa Lucban. Ito ang tiniyak ng mga awtoridad kasabay ng isinagawa nilang pagsasaayos ng A. Racelis Avenue sa nasabing bayan kamakailan.

Layunin ng proyekto na mapanatili ang maayos na kondisyon ng pangunahing lansangan sa nasabing kalsada, na siyang pangunahing daanan ng mga motorista papasok ng Lucban.


Kabilang sa mga isinagawang gawain ang masusing pagtukoy at pagkukumpuni sa sirang pipeline na sanhi ng water leak sa nasabing bahagi ng kalsada.


Ayon sa mga kinauukulan, ang naturang problema sa linya ng tubig ang isa sa mga dahilan kung bakit kinakailangan ang mas mahabang panahon ng pagkukumpuni upang masigurong tatagal at magiging ligtas ang resulta ng proyekto.


Samantala, pinapayuhan ang mga motorista at residente na mag-ingat at makipagtulungan habang isinasagawa ang mga aktibidad sa lugar.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.