Los Baños, idineklarang 'insurgency-free'
OpinYon Laguna

Los Baños, idineklarang 'insurgency-free'

Nov 18, 2024, 8:26 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang mas mapayapa at mas maunlad na Los Baños. Ito ngayon ang hangarin ng mga lokal na opisyal sa nasabing bayan kung saan idineklara ang "Stable Internal Peace and Security" (SIPS) sa nasabing bayan noong nakaraang Martes, November 5.

Pinirmahan ni Los Baños Mayor Anthony "Ton" Genuino at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang government officials ang Memorandum of Understanding (MOU) for Stable Internal Peace and Security sa nasabing bayan.


Kinikilala ang isang bayan o lungsod na nakapag-achieve na ng SIPS status kung walang naitatalang presensya ng New People's Army (NPA) at kanilang mga kaalyado sa loob ng isang taon.


Ayon kay Genuino, pinagtibay ng kasunduang ito ang pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno at iba’t ibang mga organisasyon sa pagtataguyod ng mga hakbangin upang panatilihin ng kaayusan at kapayapaan sa Los Baños.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.