Lola, 74, pinatay sa taga ng sariling anak
Death

Lola, 74, pinatay sa taga ng sariling anak

Apr 16, 2024, 5:39 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

TALISAY, Batangas — Isang 74-taong gulang na ginang ang pinatay sa pamamagitan ng pananaga ng kanyang sariling anak, 38.

Ayon sa ulat ng isang Regional TV "Balitang Southern Tagalog," hinabol din ng suspek ang kanyang pinsan at dalawang bata na sa kabutihang-palad hindi niya inabutan.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ang biktima ay natutulog sa sofa nang atakihin ng suspek noong gabi ng Martes, ika-2 ng Abril, sa sarili nitong tahanan sa Barangay Aya ng bayang ito.

Pagkatapos, pumunta ang suspek sa kalapit na bahay ng kanyang pinsan at saka inambahan ng taga ang mga tao dito. Buti na lamang at nakatakbo ang mga ito.

Tumugon kaagad sa sigaw na "tulong" ang mga kapitbahay. Napilitang tumakas ang suspek.

Ang suspek, na hindi kaagad ibinigay ang pangalan, ay naaresto rin kinabukasan ng umaga.

Sinabi ng Talisay Police na hindi pa malinaw ang dahilan o motibo kung bakit sinugod ng suspek ang kanyang ina at ambang nag-amok pa.

Wala ring ulat na gumagamit siya ng ilegal na droga ang suspek.

Ang mga kaanak ay hindi nagbigay ng kanilang komento hinggil sa pangyayari.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonBatangas


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.