TANAUAN City -- Naggagandahang disenyo ng mga Saranggola ang bumandera sa Batangas Kite Festival 2024, na siyang dahilan kung bakit naging makulay ang pagsisimula ng summer season sa lalawigan.
Magkatuwang na inilunsad nina Batangas Governor Hermilando Mandanas at Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes ang makulay at napakasayang Batangas Kite Festival na idinaos sa FPIP Baseball Field, Barangay Pagaspas noong Martes (19 March 2024).
Bumandera rito ang iba't ibang makukulay na disensyo mula sa malikhaing obra ng mga Batanguenong mahilig at may talento sa pagpapalipad ng saranggola.
Umabot sa 93 ang bilang ng mga lumahok, tampok ang mga disenyong tulad ng iba't ibang uri ng hayop, mga insekto at iba pang hango naman mayamang kultura ng mga sumaling Barangay.
Ang naturang patimpalak ay mayroong tatlong kategorya kabilang ang (1) Kitayan, (2) Open 3D at (3) Traditional.
Ang mga nagwagi sa Tanauan Leg ay aabante para sa susunod na eliminasyon na gaganapin naman sa Monte Maria, Batangas City.
Hindi pa tukoy ang petsa kung kailan gaganapin ang final round ngunit malamang sa loob ng Holy Week ayon sa organizers.
#WeTakeAStand #OpinYon #KiteFestival2024