Nagkaroon ng pulong ang mga livestock inspectors ng iba't ibang bayan sa lalawigan ng Quezon sa OPV Conference Hall, Brgy. Talipan, Pagbilao, noong Marso 6.
Ang layunin ng pagpupulong ay talakayin ang mahahalagang usapin kaugnay ng kalusugan at kapakanan ng mga hayop, pati na rin ang pagpapatibay ng mga regulasyon sa biosecurity at quarantine protocols.
Isa sa mga pangunahing tinalakay ay ang updates sa Disaster Risk Reduction and Management Information System (DRRMIS), kung saan inilatag ang mga bagong impormasyon at proseso sa pag-uulat ng damage report sa panahon ng sakuna.
Malaking bahagi rin ng pulong ang pinakabagong ulat tungkol sa African Swine Fever (ASF), kung saan ibinahagi ang kasalukuyang sitwasyon ng ASF sa lalawigan at ang mga hakbang na isinasagawa upang mapigilan ang pagkalat nito.
Pinagtuunan din ng pansin ang updates sa Standard Operating Procedures (SOP) para sa mga paglabag sa shipment regulations, kung saan binigyang-linaw ang mga tamang hakbang sa paghawak ng mga insidenteng may kaugnayan sa iligal na pagpapadala ng mga hayop at produktong mula rito. Bukod dito, ibinahagi rin ang mga nalalapit na programa at aktibidad sa pambansa, panrehiyon, at panglalawigang antas.
Kasabay nito, nagbigay rin ng updates ang Animal Health and Welfare Division patungkol sa mga kasalukuyang proyekto at inisyatibo ng tanggapan.
Sa huling bahagi ng pagpupulong, nagkaroon ng isang open forum kung saan binigyang-daan ang mga suhestiyon at talakayan ukol sa pagbuo ng isang ordinansa na magpapalakas sa regulasyon laban sa shipment violations sa lalawigan ng Quezon.
Pinag-usapan din ang kaligtasan at seguridad ng mga Animal Quarantine Personnel na nakadestino sa iba’t ibang checkpoints, lalo na ang mga hakbang upang maprotektahan sila sa banta na kaakibat ng kanilang tungkulin.
Ang pagpupulong na ito ay patunay ng matibay na pagkakaisa ng mga Livestock Inspectors sa lalawigan upang mapanatili ang maayos at ligtas na industriya ng paghahayupan sa Quezon na isa sa mga pangunahing policy ni Quezon Gov. Helen Tan.
(Ulat ng Quezon provincial website)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews